HE

The name is ART. 21 year old guy, studying at Adamson University taking up Computer Science. 100% Pinoy. Proud to be from Tondo. Loves to hang out with friends. Always checking my friendster profile. Doing funny and weird things. Laging sumisigaw ng "YAYAY". RanOnline. Love to watch movies. Going to the beach. Talking to my honey.

SHE

Aisha. 19 year old lady, studying in Siena College,QC taking up Hotel and Restaurant Management. 100% Chinese. Always at home. Loves to sleep. Self-conscious freak. Always in front of the computer. Talking with honey. Mushy and Emo. Has weird eyes..don't have an eyelid on the right eye. Loves to take pictures of herself. Loves dark chocolates. Loves blogging. Girly stuffs

MESSAGE



LOVE BLOG LINKS

Laine & Richard Valerie & Sonny Irish loveblog

Credits

Powered by: Blogger
Layout © Irish
Coding © Irish
Images hosted © Tinypic.com




Friday, June 8, 2007


"ART+AISHA"

Summer din nun time na yun. Walang magawa sa buhay buhay. Failed relationships at kasawa sawa yan ang buhay lovelife. What a summer. Wala bang Summer love man lang? Naglaro ako ng Ranonline for the first time, nakakatuwa nakakaenjoy, lalo na ang pag foforums doon. Super saya. Kahit mga walang kwentang topic ang pinaguusapan, it feels like nagiging close ka sa mga kausap mo doon. We were both addicted sa forums.. so yeah.. doon kami unang naging magkakilala. In a forum. Puro nalang kalokohan. Pero isang beses habang ako may kinakarir haha! joke. May kasama akong lalake na taga forums din sa game,ng bigla nalang nakita ko siya sumulpot sa lugar namin. Syempre natuwa ako, kasi sabi ko ito yung makulit sa forums so ayun, tinawag ko siya. Pero badtrip siya sa mga oras na yun. Ewan ko ba bakit siraulo ako, lalo ko pa siang inasar. Kinalat ko pa sa forums ang reason bakit siya badtrip. - - - Ewan ko, simula ng oras na yun na nagkita kami in game lagi na kami magkasama.. Dahil sa pagkabadtrip niya at sinabi sa akin.. "palevel tayo" (Nakakatawa ang story na ito paksyet) Ewan ko, bigla lagi kami ng PPM sa isat isa.. pag online ang isa PM na..

HAHA. Shaman ang character ko dun, sa mga hindi nakakaalam, healer yun. Noob pa talaga ako sa mga ganitong laro nun time na yun. Kaya hindi ako sanay mag heal, that time isa isa lang ang pag heal ko sa mga kaparty ko since, low level pa lang ako. Naasar nga lahat ng kaparty ko sa akin kasi lagi sila namamatay at laging SIYA lang ang ni heheal ko - - - Actually, hindi ko naman sinadja yun kasi siya lang talaga ang malapit kaya siya ang naheheal ko LOL.

Hanggang sa naging close kami. Kwentohan to the max lagi eh. Hanggang sa nagustuhan ako ng isang lalake - - - na tropa pala niya in real life. What a coincidence ni minsan kasi hindi niya nabanggit na may tropa siya sa real life na naglalaro din doon. Alam niyo ba, na reason bakit kami naging close talaga e kasi ilalakad niya ako sa tropa niya pero instead kami ang nagkatuluyan. Paano nangyare yun? - - - Basahin niyo pa ang susunud kong kwento..

Naging super close kami, sobrang naaaliw ako sa kanya. I don't know pero para sa akin, kaibigan lang ang turing ko sa kanya, as if no? It's just online... - - - oops nasabi ko ba sa inyo na sa mga panahon na ito my boyfriend pa ako? Pero nagkakalabuan na kami.. and eventually nag break na din.. (Pinapili niya ako if RANONLINE o SIYA - - alam niyo naman topakin ako pinili ko naman ang RAN, doon din mas masaya ako - - -mas masaya pa ako pagnaglalaro ako nun, kesa makasama siya at makausap - - GANON KATINDI!) Anyways, ayun.. tuloy natin.. May isang babaeng sumulpot na galing din sa forums na kinausap ako - - aba sikat?! HAHA! Nakikita daw niya ako sa forums at nakipagkaibigan sa akin. At sa tuwing maguusap kami, lagi nalang puro lalake ang topic namin, nkakatawa naghahanap siya ng gwapo sa game. WALANG GWAPO DOON, MGA ADIK SA PAGLALARO EH! yun ang sabi ko.. hanggang bigla niyang sinabi ang pangalan na KOPONG KOPONG ( Okay, si Art yun.. yun kasi ang screen name niya.. parang baliw noh?) Cute daw.. Wala naman ako naramdaman na selos na kahit ano.. Sabi ko sa kanya.. ANO? Sa dami dami ng lalake sa RAN, siya ang natipuhan mo.. - - Sayuri ok ka lang? (Yun ang name niya) Nakakaloka. Secret lang daw namin na crush niya si Kopong.. - - - So ayun.. ewan ko bigla ako na curious at tinanong ko naman c Kopong kung sino ang crush niya.. sa game. Alam niyo ba ang sinabi niya? - - - - Si Sayuri. Maganda daw kasi ang mga mata nito. Wow perfect match, sa mga oras palang na yun MU na sila. diba?

Lumipas ang panahon, kung dati rati kami lang ni Kopong magkasama, ngayon tatlo na kami.. - - Kasama si Sayuri. At sa paglipas din ng panahon.. ang madaldal na ako, unting unti na tumatahimik, sa hindi malaman na dahilan. Sinasabi ko lang lagi na, syempre gusto ko magkatime sila sa isa't isa ng hindi ako sumasabat. Diba ok yun? Pero, as time goes by, ang dami ng drama na naganap.. Dahil umiiwas ako sa kanila.

Umiiwas bakit? - - - Ewan ko din, parang ayuko sila makasama na.

Napagdecisionan na din ni Kopong na ganon na nga siguro ang mangyayare.. Pero hindi pa nagtatagal bumalik pa din ito para kausap usapin ako. Pero dahil dun, ang lagi ko na kasama ay yung katropa niya. Isang beses, tinawagan ako ng tropa niya sa cellphone, tinanong sa akin, gusto mo ba makausap si Kopong? - - - Okay lang sabi ko.. dun ang simula ng lahat. Lagi na din kmi naguusap sa cellphone ( pero sabi niya dati sa akin never niya hihingiin ang number ko lol )

Pero lagi pa din kami nagaaway, hindi ko alam anu nararamdaman ko bakit lagi ako tinotopak pag anjan si Sayuri, mabait naman sa akin yun..Hanggang sa sinabi ko na feeling ko nagseselos ako, hindi dahil gusto kita, kung hindi - - hindi lang ako sanay.. syempre dati lang kami lagi magksama, kami lagi naguusap, ngayon - - - hindi na.. nakakapanibago lang..

Sa haba haba ng storya.. narealized ko din na nagkakagusto ako sa kanya.. Doon ko naisip to end our relationship as a friend, Ayuko eh. Ayoko mainlove. Ayuko talaga.. - - A Y O K O.

Eto na talaga ang simula ng drama at iyakan, umiyak siya.. umiyak din ako.. bakit ba siya umiiyak kasi? dahil daw importante ang friendship namin - - - at sinabi nia sa akin.. kung ayaw mo na ako maging kaibigan paano na ako? Paano na ang nararamdaman ko..

Hanggang sa sinabi niya.. na ako ang gusto niya talaga.. at hindi si Sayuri.

After some time, naging kami.. - - - alam niyo ba na nagtagal kami ng 1 month ng hindi pa nagkikita..

And I just can't believe mag iisang taon na kami ngayon. How magical is that? <333

PS. Gusto ko sana ikwento ang buong ditalye.. mashado pala mahaba haha!

posted by Aisha
9:19 PM